I

Hindi ko lubos akalain

Na sa isang iglap ikay magiging akin

Sapagkat ika’y sa kanya

At kay hirap mong makasama

II

Tila isang milagro kung maituturing

Dahil tadhana na ang nagpalapit sa atin

Sa isang “Kumusta” mo ay nahulog na ako

Pakiramdam koy tila halimuyak ng langit nalalasap ko

III

Kay saya ng bawat araw sa tuwing ikaw ang kausap
Magkalayo man tayo ikaw parin ang tanging hinahanap
Bawat araw sa akin ay natupad na pangarap
Sa tuwing tayo’y nagkikita at magkaharap

IV

Malayo ka man sakin hindi ito Hadlang
Upang  pag ibig ko para sayo ay mabigyang patlang
Labis na kasiyahan sa aki’y iyong isina alang alang
Sa puso ko sayo’y walang makakahahadlang

V

Ikaw ay ang aking ngiti sa bawat umaga
Sa tuwing ako’y gigising na nariyan ka
Tinig mo’y nakakahalina kaysarap sa tenga
Isa kang pangarap na natupad sa bawat umaga

 VI

Madami na tayong pinagdaanan,

Sa mga  pagsubok  na nagdaan

Lumalalim ating pagmamahalan

Habang tumatagal ng ‘di namamalayan

VII

Nagawa na nating maghiwalay

Tiniis ang bawat puso sa pagkalumbay

Ngunit sa bawat isa’y hindi kayang mawalay

Nanaig padin ang pagamamahalang tunay

VIII

Wagas na pagmamahalan ating nararamdaman

Dumating mga unos na nagdulot ng sakit ng puso’t isipan

Ngunit hindi padin makayang pagmamahalan ay kalimutan

Bagkus lumalim ang pagtingin sa bawat isa  ng lubusan

IX

Darating man ang mga hindi namamalayang sandali

Nawa’y tayo ay maging matatag at sa bawat isa’y manatili

Labis kong ikalulungkot ang sa iyo’y mawalay

Sapagkat ikaw lang ang minahal ko ng wagas at tunay

X

Ayaw ko isipin na darating ang araw na tayo ay ala ala nalang

Sa bawat isa at mananatili nalang sa puso’t isipan

Hanggat maaari nais kong sa habang buhay ikaw ay masilayan

Makausap mayakap

at sana sa habang buhay  ay ikaw ay  palaging mahagkan

XI

Ngayong gabi nakahimlay ng payapa sa aking higaan
Sumasagi ating masasayang
sandali sa’king isipan
Lalo na nung ikaw ay aking
unang nasilayan
Mga mata mo ay hindi ko maiwasang titigan

XII

Ibinigay mo sakin ang aral ng pagpapahalaga
Para sa taong labis na naghahangad na ako’y mapasaya
Sapagka’t aking naramdaman noon kung paano ang mabalewala
Ngayon lahat ng iyon ay aking papalitan
ng pagmamahal at walang humpay na ligaya .